tag:blogger.com,1999:blog-29101937889168188562024-03-08T09:07:06.487-08:00Tagalog Novena - Mary Mediatrix of all GracesMary Mediatrixhttp://www.blogger.com/profile/04428589586664697593noreply@blogger.comBlogger1125tag:blogger.com,1999:blog-2910193788916818856.post-30472112593439813732009-09-23T03:43:00.000-07:002009-09-23T07:06:48.410-07:00Triduo sa Karangalan ng Birhen Mariang Tagapamagitan
PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ang tanda ng Sta. Krus, ipag-adya mo kami Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo, gumawa at sumakop sa akin, na aking pinananaligan, inaasahan ko at iniibig ng higit sa lahat ng bagay, Naninikluhod po ako sa Inyong kamahalan dahil sa nagawa kong mga kasalanan laban sa kalooban Ninyo. Natatalastas ko po, Panginoong kong Diyos, na hindi ako dapat humarap sa Inyo, kaya po ako'y lumalapit sa pamamagitan ng masintahin Ninyong Ina, na si Birheng Maria upang makamtan ko ang kapatawaran ng mga kasalanan kong nagpapahirap sa akin, at nagtitika po ako na hindi na muling magkakasala pa sa Inyo.

PANALANGIN

O Mariang Tagapamagitan ng lahat ng biyaya! Sa nais ko pong magawa sa buong pamamanata ang Triduo na ito, ay naninikluhod ako sa iyong paanan, upang taimtim kong madinig ang matamis ninyong tinig, idaing at ilahad ko yaring kailangan sa maluwalhati n'yo pong kalinga. Huwag ninyo akong pabayaan, aking Ina, kahit hindi ako karapatdapat, alang-alang sa pagsisisi kong ipinagdadalamhati sa inyong pagka-ina sa mga hirap na tiniis ng kaibig-ibig ninyong Anak. Kasihan ninyo ako sa idinaraos kong pag-tri-triduo na ito na luminis ang aking kaluluwa upang maging dapat ako sa Diyos na Makapangyarihan, tuloy magpasalamat ako sa dimasayad na mga biyayang ipinagkaloob ninyo sa akin. AMEN.

UNANG ARAW

Kataastaasang Birhen MAriang Tagapamagitan, yamang ang kapangyarihan ninyo ay laganap sa lahat, alang-alang kay Hesukristong Anak ninyong nagpakasakit at namatay sa Krus, ay papakinabangin ninyo ako ng inyong biyayang walang hanggan. Palakasin ninyo, Birhen ko, ang aking katawan at kaluluwa na sa ikakikilala sa kapangyariahan ninyo, paglingkuran kayo ng tapat at sundin ang inyong mga utos, luwalhatiin ang inyong pangalan at biyaya, ibigin kayo nang buong ningas sa aking puso.

Diyos ng awa, ang aking pag-asa, ang aking tungkod, ang aking lakas, at ang aking buhay, maawa po Kayo, bigyan ako ng biyayang kalusugan at katahimikan, lingapin ako ng Inyong kahabag-habag na magulang na Inyong nilalang, sa ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santong walang hanggan. AMEN.

(Sandaling manahimik at magnilay-nilay at hilingin sa Birhen Mariang Tagapamagitan ang mga hinahangad).

Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria at tatlong Papuri.

HULING PANALANGIN

O Panginoong Hesukristo, Tagapamagitan namin sa harapan ng aming Ama, na humirang sa kabanal-banalang Birhen na Iyong Ina at aming tagapamagitan sa harapan Ninyo, ipagkaloob Ninyo na sinumang lumapit sa Inyo upang humingi ng anumang biyaya, ay makamit ito sa tulong nila at magkaroon ng kagalakan. Kayo na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawang hanggan. AMEN.

PAGHAHANDOG KAY MARIA, TAGAPAMAGITAN NG LAHAT NG BIYAYA

O Maria, kabanalbanalan at kalinislinisang Ina ng Diyos, Ina ni Hesus na ating Sakripisyong Punong Saserdote, tunay na Propeta at Dakilang Hari, lumalapit ako sa iyo bilang Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, sapagkat ganoon ka sa katotohanan.

O Batis ng Lahat ng Biyaya!

O pinakamagandang Rosas!

Pinakadalisay na Bukal!

Walang dungis na lagusan ng lahat ng biyaya ng Diyos!

Tanggapin mo ako, Kabanalbanalang Ina!

Iharap mo ako at ang lahat kong pangangailangan sa Santisima Trinidad, upang, matapos na maging dalisay at banal sa Kanyang paningin sa pamamagitan ng iyong mga kamay, ang mga ito ay ibalik sa akin, sa tulong mo, bilang mga pagpapala at biyaya.

Ibinibigay at inihahandog ko ang aking sarili sa iyo, Maria, Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, upang si Hesus, ang ating kaisaisa at tunay na Tagapamagitan, na Siyang Hari ng mga Bansa, ay maghari sa bawat puso. AMEN.

AWIT: MARIA, INANG TAGAPAMAGITAN

Maria, Ina naming tagapamagitan

kay Kristong Anak mong pinakamamahal,

Taos ka naming pinasasalamatan sa

mahal mong tulong no'ng aming makamtan

ang naglahong laya, sa pamamagitan

Niyaong mapayapa naming himagsikan.

Patuloy mo sana kaming patnubayan

sa aming pagtuklas ng kapayapaan,

ng pagmamahal, at ng katarungan

tungo sa pag-unlad nitong Inang Bayan:

sa awa at tulong ng Poong Lumalang.

IKALAWANG ARAW

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ang tanda ng Sta. Krus, ipag-adya mo kami Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo, gumawa at sumakop sa akin, na aking pinananaligan, inaasahan ko at iniibig ng higit sa lahat ng bagay, Naninikluhod po ako sa Inyong kamahalan dahil sa nagawa kong mga kasalanan laban sa kalooban Ninyo. Natatalastas ko po, Panginoong kong Diyos, na hindi ako dapat humarap sa Inyo, kaya po ako'y lumalapit sa pamamagitan ng masintahin Ninyong Ina, na si Birheng Maria upang makamtan ko ang kapatawaran ng mga kasalanan kong nagpapahirap sa akin, at nagtitika po ako na hindi na muling magkakasala pa sa Inyo.

PANALANGIN

O Mariang Tagapamagitan ng lahat ng biyaya! Sa nais ko pong magawa sa buong pamamanata ang Triduo na ito, ay naninikluhod ako sa iyong paanan, upang taimtim kong madinig ang matamis ninyong tinig, idaing at ilahad ko yaring kailangan sa maluwalhati n'yo pong kalinga. Huwag ninyo akong pabayaan, aking Ina, kahit hindi ako karapatdapat, alang-alang sa pagsisisi kong ipinagdadalamhati sa inyong pagka-ina sa mga hirap na tiniis ng kaibig-ibig ninyong Anak. Kasihan ninyo ako sa idinaraos kong pag-tri-triduo na ito na luminis ang aking kaluluwa upang maging dapat ako sa Diyos na Makapangyarihan, tuloy magpasalamat ako sa dimasayad na mga biyayang ipinagkaloob ninyo sa akin. AMEN.

PANALANGIN SA IKA-2 ARAW

O Birhen kong makapangyarihan!

Liwanagan po ninyo ang aking isip na matutuhan ko ang landas ng inyong kautusan, upang huwag akong mabulid sa bangin ng mga pagkakasala. Akitin po ninyo ang aking puso sa pag-ibig at paggalang, sa dapat na makilala, at pintuhuin kayo ng aking mga magulang, mga kapatid at kapwa tao na nilikha ng Diyos. Mahabag kayo, Ina ko, dito sa hamak na nagmamakaawa sa inyo na nagnanasang kayo ay igalang at purihin ng buong pag-ibig sa lahat ng bagay.

Igawad Ninyo, Diyos ko, ang Inyong pag iingat at pagpapala sa puso at kalululwa kong nagnanasang umibig sa Inyo sa kabuhayan at kamatayan magpasawalang hanggan. AMEN.

(Sandaling manahimik at magnilay-nilay at hilingin sa Birhen Mariang Tagapamagitan ang mga hinahangad).

Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria at tatlong Papuri.

HULING PANALANGIN

O Panginoong Hesukristo, Tagapamagitan namin sa harapan ng aming Ama, na humirang sa kabanal-banalang Birhen na Iyong Ina at aming tagapamagitan sa harapan Ninyo, ipagkaloob Ninyo na sinumang lumapit sa Inyo upang humingi ng anumang biyaya, ay makamit ito sa tulong nila at magkaroon ng kagalakan. Kayo na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawang hanggan. AMEN.

PAGHAHANDOG KAY MARIA, TAGAPAMAGITAN NG LAHAT NG BIYAYA

O Maria, kabanalbanalan at kalinislinisang Ina ng Diyos, Ina ni Hesus na ating Sakripisyong Punong Saserdote, tunay na Propeta at Dakilang Hari, lumalapit ako sa iyo bilang Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, sapagkat ganoon ka sa katotohanan.
O Batis ng Lahat ng Biyaya!
O pinakamagandang Rosas!
Pinakadalisay na Bukal!
Walang dungis na lagusan ng lahat ng biyaya ng Diyos!
Tanggapin mo ako, Kabanalbanalang Ina!
Iharap mo ako at ang lahat kong pangangailangan sa Santisima Trinidad, upang, matapos na maging dalisay at banal sa Kanyang paningin sa pamamagitan ng iyong mga kamay, ang mga ito ay ibalik sa akin, sa tulong mo, bilang mga pagpapala at biyaya.
Ibinibigay at inihahandog ko ang aking sarili sa iyo, Maria, Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, upang si Hesus, ang ating kaisaisa at tunay na Tagapamagitan, na Siyang Hari ng mga Bansa, ay maghari sa bawat puso. AMEN.

AWIT: MARIA, INANG TAGAPAMAGITAN

Maria, Ina naming tagapamagitan
kay Kristong Anak mong pinakamamahal,
Taos ka naming pinasasalamatan sa
mahal mong tulong no'ng aming makamtan
ang naglahong laya, sa pamamagitan
Niyaong mapayapa naming himagsikan.
Patuloy mo sana kaming patnubayan
sa aming pagtuklas ng kapayapaan,
ng pagmamahal, at ng katarungan
tungo sa pag-unlad nitong Inang Bayan:
sa awa at tulong ng Poong Lumalang.

IKATLONG ARAW

PANALANGIN SA ARAW-ARAW

Ang tanda ng Sta. Krus, ipag-adya mo kami Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

PAGSISISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo, gumawa at sumakop sa akin, na aking pinananaligan, inaasahan ko at iniibig ng higit sa lahat ng bagay, Naninikluhod po ako sa Inyong kamahalan dahil sa nagawa kong mga kasalanan laban sa kalooban Ninyo. Natatalastas ko po, Panginoong kong Diyos, na hindi ako dapat humarap sa Inyo, kaya po ako'y lumalapit sa pamamagitan ng masintahin Ninyong Ina, na si Birheng Maria upang makamtan ko ang kapatawaran ng mga kasalanan kong nagpapahirap sa akin, at nagtitika po ako na hindi na muling magkakasala pa sa Inyo.

PANALANGIN

O Mariang Tagapamagitan ng lahat ng biyaya! Sa nais ko pong magawa sa buong pamamanata ang Triduo na ito, ay naninikluhod ako sa iyong paanan, upang taimtim kong madinig ang matamis ninyong tinig, idaing at ilahad ko yaring kailangan sa maluwalhati n'yo pong kalinga. Huwag ninyo akong pabayaan, aking Ina, kahit hindi ako karapatdapat, alang-alang sa pagsisisi kong ipinagdadalamhati sa inyong pagka-ina sa mga hirap na tiniis ng kaibig-ibig ninyong Anak. Kasihan ninyo ako sa idinaraos kong pag-tri-triduo na ito na luminis ang aking kaluluwa upang maging dapat ako sa Diyos na Makapangyarihan, tuloy magpasalamat ako sa dimasayad na mga biyayang ipinagkaloob ninyo sa akin. AMEN.

PANALANGIN SA IKA-3 ARAW

O mapaghimalang Birhen Tagapamagitan! Kaawaan ninyo po akong nalulunod sa kasalanan at nabibigatan sa mga parayang umang ng kalupaan; ihingi ninyo ako ng tawad sa Amang Diyos alang-alang kay Hesukristong kinalinga ninyo. Ipanalangin ninyo kami sa Panginoong Diyos na kami ay papakinabangin at papagkamtin ng awa at kapatawaran; at alang-alang sa karapatan at kabanalan ninyo ay matutuhan naming tiisin ang mga kahirapang sumasapit, ibigin Siya ng buong puso, dito sa lupa at doon sa langit ng Kanilang kaharian at kaluwalhatian. AMEN.

(Sandaling manahimik at magnilay-nilay at hilingin sa Birhen Mariang Tagapamagitan ang mga hinahangad).

Dasalin ang tatlong Aba Ginoong Maria at tatlong Papuri.

HULING PANALANGIN

O Panginoong Hesukristo, Tagapamagitan namin sa harapan ng aming Ama, na humirang sa kabanal-banalang Birhen na Iyong Ina at aming tagapamagitan sa harapan Ninyo, ipagkaloob Ninyo na sinumang lumapit sa Inyo upang humingi ng anumang biyaya, ay makamit ito sa tulong nila at magkaroon ng kagalakan. Kayo na nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpasawang hanggan. AMEN.

PAGHAHANDOG KAY MARIA, TAGAPAMAGITAN NG LAHAT NG BIYAYA

O Maria, kabanalbanalan at kalinislinisang Ina ng Diyos, Ina ni Hesus na ating Sakripisyong Punong Saserdote, tunay na Propeta at Dakilang Hari, lumalapit ako sa iyo bilang Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, sapagkat ganoon ka sa katotohanan.
O Batis ng Lahat ng Biyaya!
O pinakamagandang Rosas!
Pinakadalisay na Bukal!
Walang dungis na lagusan ng lahat ng biyaya ng Diyos!
Tanggapin mo ako, Kabanalbanalang Ina! Iharap mo ako at ang lahat kong pangangailangan sa Santisima Trinidad, upang, matapos na maging dalisay at banal sa Kanyang paningin sa pamamagitan ng iyong mga kamay, ang mga ito ay ibalik sa akin, sa tulong mo, bilang mga pagpapala at biyaya.
Ibinibigay at inihahandog ko ang aking sarili sa iyo, Maria, Tagapamagitan ng Lahat ng Biyaya, upang si Hesus, ang ating kaisaisa at tunay na Tagapamagitan, na Siyang Hari ng mga Bansa, ay maghari sa bawat puso. AMEN.

AWIT: MARIA, INANG TAGAPAMAGITAN

Maria, Ina naming tagapamagitan

kay Kristong Anak mong pinakamamahal,

Taos ka naming pinasasalamatan sa

mahal mong tulong no'ng aming makamtanang

ang naglahong laya, sa pamamagitan

Niyaong mapayapa naming himagsikan.

Patuloy mo sana kaming patnubayan

sa aming pagtuklas ng kapayapaan,

ng pagmamahal, at ng katarungan

tungo sa pag-unlad nitong Inang Bayan:

sa awa at tulong ng Poong Lumalang.
Mary Mediatrixhttp://www.blogger.com/profile/04428589586664697593noreply@blogger.com3